BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, June 9, 2008

Sign?

Panyo...


May isang panyo akong inarbor ng sapilitan sa dati kong naging matalik na kaibigan. Masasabi kong nagkaron na ko ng memories dito sa panyong ito. Sa lahat ng kc ng panyo ko eh ito ung pinakamakulit! Lagi nalang nawawala! Lagi ko nalang hinahanap! Tulad na lamang ng dati nagmamayari sa panyong ito, laging nawawala kaya lagi kong hinahanap! Pero dati un! ahaha!
Hindi ko malilimutan na moments ko kay panyong ito eh nung kumain kmi sa Shakey's ng mga kaibigan ko at naiwan ko siya dun. Alam naman nating malaki ang Megamall diba? ~_~
Sorry pero d ko nilibot ang buong mall pra hanapin si panyo. Naalala ko naman kc na sa Shakey's lang kami nanggaling ngunit labis na malayo na kami sa Shakey's dahil nsa kabilang building na kami at almost 1hr na kaming naggagala. Hindi ako nawalan ng pagasa at tinanung ko lahat ng waiter na nagserve samin at isa sa kanila ang nakakita kay panyo at itinabi. Yey God bless you kuya!

Isa pa nung kasama ko ang friend ko papunta sa dating nagmamayari kay panyo. Nung may lumabas na pasahero sa sinasakyan namin FX ay aksidenteng nahulog si panyo. Umandar ang FX at nkta ko na naiwan c panyo. Syempre sumigaw ako, mama! ihinto nyo ang sasakyan! Bigla akong bumaba sa gitna ng kalsada pra kunin si panyo na di inalintana kung masagasaan ako ng iba pang mga sasakyan sa kalye. Dahil sa nangyari, nagreact ang friend ko at sinabi: "baka naman ganyan ka rin sa dating may ari nyan, binabalik balikan mo." T_T
Ganun kami parati ni panyo. Lagi akong nagaalala sa kanya tulad rin sa dati nyang amo. Hanggang sa dumating ang June 7.

Sa aming masayang araw ng aking mga kaibigan, nawala si panyo. Nalaman ko na lamang sa CR ng mall ng gagamitin ko sya pamunas ng aking basang mukha. Ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng pagaalala. Hindi ko na naicp na hanapin sya. Ang pumasok nalang sa icpan ko ay: ano pa ba ang magagawa ko? Wala na sya eh. Hindi ko na alam kung saan ko sya hahanapin. Masyadong malaki ang MOA para saming dalawa. Labis na mailap ang panyo sakin. Pagod na ko hanapin pa sya muli pra makasama at ipamunas sa aking mukha and besides wala siyang breed isang ordinaryong panyo lamang siya na may tatak ni Spongebob. Buti pa ang Armando Carusso kong panyo, kahit kelan hindi man lang siya nawala kahit lagi ko siyang dala!

Sa mga panahong ito, hindi ko narin alam kung san ko mkkta ang dating nagmamayari sa kay panyo. Nawala na siya, marahil kinalimutan na niya ako. Sign ba ito? o nagmana lang si panyo sa dating nagmamayari sa kanya? Ano sa tingin nyo?

Sunday, June 1, 2008

I've got a certificate! wee!

Last week, I've got my certificate from ma'am Dulay coz napasama pala ko sa Dean's List for having a GWA of 1.67 in 1st and a GWA of 1.75 in 3rd trimester last school year! Because of that, natutuwa si lola at may possibility na magincrease ang allowance ko! Di pa dun natatapos, binilan me ng tita ko ng Harry Potter book 7! weeee!

Sayang, bumaba ng 0.07 ang GWA ko ng 2nd trimester kya d ako nkaabot sa Dean's list. Ayan tuloy wala akong discount hmmpp!!! dagdag baon din un noh!
Well sana this year mabingwit ko na ang tatlong certificate ulit pra may discount na ko! ^_~!